Ang sinaunang kabihasnan
Ang Sinaunang Kabihasnan ay
tumutukoy sa mga sitwasyon o pamumuhay ng mga tao noon sa Asya at pagbabago ng
ating pamumuhay bilang isang asyano. Ito rin ay tumutukoy sa kasaysayan sapagkat sa pamamagitan o pagtulong ng ating mga bayani ay dito natin
unti-unting nakamit ang Pag-unlad ng ating bayan at Kalayaan na ating ninanais para sa ating bansa. Dito
rin nasukat ang kakayahan at angking-talino ng bawat isa sa kanila kaya sila ay
unti-unting umunlad sa kanilang pamumuhay.
Mas disiplinado noon ang mga tao sapagkat sa
kanilang mga kaugalian tulad nalang ng pag-oopo at po sa mga nakatatanda at mas
masisipag noon ang mga tao, dahil nga sa makabagong teknolohiya ay nabago na
ang pagkatao ng isang tao sapagkat ang mga tao noon ay mahihinhin, magagalang
at may respeto sa sarili ngunit ngayon ay kakaunti na lamang ang mga ganung
taong mayroong dignidad sa sarili.
Nalaman din nila kung
paano mag-tanim ng palay, gulay, prutas at marami pang iba. Naisipan nila ito
para sila ay magkaroon ng hanap-buhay nang saganon ay magkaroon sila ng pera at
mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Nabihasa rin sila sa pangingisda sapagkat isa
parin ito sa kanilang paghahanap-buhay at para rin mayroon silang makain araw-araw. Naging bihasa rin sila
sa pag-aalaga ng hayop sapagkat maraming lugar noon na maaaring mabuhay ng
matagal ang mga hayop. Ang lahat ng mga hanap-buhay na ito ay dahil sa maganda at organisadong
lugar na pinaghahanap-buhayan ngunit ngayon ay kakaunti nalamang ang mayroong
organisadon lugar. Ang mga lugar noon ay may sariwang hangin na malalanghap
ang mga hayop, maluwag na pagtatamnan ng iba’t-ibang pananim, at malinis na dagat para sa mga isda
upang ang mga mangingisda ay may malinis na makain sapagkat dito rin sila
kumukuha ng pagkain.
Ang sinaunang kabihasnan na ito ay mga
nangyari sa buhay ng mga asyano noon. Mula sa kanilang paghihirap hanggang sa
umunlad nalang ang mga iba’t-ibang lugar. Mula sa malalawak na lupain hanggang sa naging
puro kabahayan na ang mga ito at naging siksikan na ang mga tao sapagkat sa
pagdami ng populasyon. May natutunan ako sa mga ito na dapat hindi natin
inaabuso ang mga ito sapagkat ito ay likas sa atin at hindi dapat natin ito
sinisira.