Huwebes, Agosto 21, 2014

Ang Sinaunang Kabihasnan

                          Ang sinaunang kabihasnan



            Ang Sinaunang Kabihasnan ay tumutukoy sa mga sitwasyon o pamumuhay ng mga tao noon sa Asya at pagbabago ng ating pamumuhay bilang isang asyano. Ito rin ay tumutukoy sa kasaysayan  sapagkat sa pamamagitan  o pagtulong ng ating mga bayani ay dito natin unti-unting nakamit ang Pag-unlad ng ating bayan at Kalayaan  na ating ninanais para sa ating bansa. Dito rin nasukat ang kakayahan at angking-talino ng bawat isa sa kanila kaya sila ay unti-unting umunlad  sa kanilang  pamumuhay.
                       



            Mas disiplinado noon ang mga tao sapagkat sa kanilang mga kaugalian tulad nalang ng pag-oopo at po sa mga nakatatanda at mas masisipag noon ang mga tao, dahil nga sa makabagong teknolohiya ay nabago na ang pagkatao ng isang tao sapagkat ang mga tao noon ay mahihinhin, magagalang at may respeto sa sarili ngunit ngayon ay kakaunti na lamang ang mga ganung taong mayroong dignidad sa sarili.




                      Nalaman din nila kung paano mag-tanim ng palay, gulay, prutas at marami pang iba. Naisipan nila ito para sila ay magkaroon ng hanap-buhay nang saganon ay magkaroon sila ng pera at mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Nabihasa rin sila sa pangingisda sapagkat isa parin ito sa kanilang paghahanap-buhay at para rin mayroon  silang makain araw-araw. Naging bihasa rin sila sa pag-aalaga ng hayop sapagkat maraming lugar noon na maaaring mabuhay ng matagal ang mga hayop. Ang lahat ng mga hanap-buhay  na ito ay dahil sa maganda at organisadong lugar na pinaghahanap-buhayan ngunit ngayon ay kakaunti nalamang ang mayroong organisadon lugar. Ang mga lugar noon ay may sariwang hangin na malalanghap ang mga hayop, maluwag na pagtatamnan ng iba’t-ibang  pananim, at malinis na dagat para sa mga isda upang ang mga mangingisda ay may malinis na makain sapagkat dito rin sila kumukuha ng pagkain.

                        Ang sinaunang kabihasnan na ito ay mga nangyari sa buhay ng mga asyano noon. Mula sa kanilang paghihirap hanggang sa umunlad nalang ang mga iba’t-ibang lugar.  Mula sa malalawak na lupain hanggang sa naging puro kabahayan na ang mga ito at naging siksikan na ang mga tao sapagkat sa pagdami ng populasyon. May natutunan ako sa mga ito na dapat hindi natin inaabuso ang mga ito sapagkat ito ay likas sa atin at hindi dapat natin ito sinisira.                   


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento